Ang panghuhusga ay isang bagayna dapat ginagaww base sa totoong impormasyon tungkol sa isang bagay, tao at iba pa. Ang panghuhusga ay dapat bigyan ng hustisya kaya hindi tayo pwede manghusga sa kahit sino man ng walang alam sa katotohanan. Bagama't dapat parin nating kilalanin ang katotohanan na wala tayong karapatan na tumingin sa isang tao batau sa kanilanh mga pagpapasya at pagkakamali dahil bilang mga tao, hindi tayo perpekto. Ito ay isang malungkot na katotohanan, marami sa atin ang madalas na mabilis makahusga sa kapwa. Bakit nga ba tayo nanghuhusga?
May iba't ibang dahilan ang tao sa panghuhusga at marahil ang ilan sa mga ito ay hindi ko kaalam-alam. Ang unang dahilan na alam ko ay minsan ang tao ay nagiging insecure at nawawalan ng self-confidence kaya nanghuhusga sila sa mga taong kinaiinggitan nila upang ibuo ang kanilang confidence. Pangalawa, nakakalimutan ng tao ang tumingin sa salamin at itama ang sariling pagkakamali at tinitignan lamang ang kamalian ng iba. Pangatlo, wala o nawawalan ng karanungan ang tao kaya mabilis siyang nakakahusga na hindi inaalam ang katotohanan. Panghuli, nahihiya o/at natatakot ang tao na malaman ngbiba ang kanyang mga depekto at kamalian at dahil dito, hinuhusgahan niya ang iba upang magmukhang malinis.
May maraming posibleng dahilan ang tao na manghusga ngunit kahit ano man iyon, mas mahalaga'at mabuti na tigilan ang gawaing ito. Mas mabuti na tignan natin ang ating sarili sa salamin at isipin kung paano itama ang ating mga mali at lumaki na isang mabuting tao na tumutulong sa kapwa imbes na nanghuhusga.
No comments:
Post a Comment