Friday, January 17, 2020

ACT CAT Survival Camp 2020

Papasimula palang ang camping
     Sa  ika-11 ng Enero ngayong taon, nagkaroon kami ng Survival Camp na kabilang na sa mga aktibidad ng CAT. Sa mga nakaraang linggo, bago naganap ito, nagdadalawang-isip pa ako kung ako ba ay sasali. Unang-una, hindi ako mahilig at sanay sa mga ganitong aktibidad. Pangalawa, Natatakot akong lumabas sa aking comfort zone at alam ko na sa camping naming ito, kinakailangan kong gawin 'yon. Ngunit, dahil alam ko rin na marami akong matutunan at mararanasan at na ito ang una at huling pagkakataon na makakasama ko ang mga kaklase at kaibigan ko sa camping, sumali ako. Nang matapos ang camping, nagpasalamat ako sa'king sarili na pinili kong sumali dahil natanto ko kung gaano ka saya at mahirap limutan ang camping na 'yon.

ang pinakamahirap limutang laro
     Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang aking naramdam noong ako'y dumating sa paaralan namin sa unang araw ng aming camping. Ako ay kinakabahan at medyo natutuwa rin. Hindi ko mapigilang isipin ang mga posibleng mangyari. Naalala ko rin na sa bawat laro o challenge bago man ito magsimula, ako ay palaging nangangamba ngunit sa tuwing natatapos ito, ako ay puno ng tuwa. Dahil sa mga hamon na sinubok namin, natutunan ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at ng pagsubok ng mga bagong bagay sa buhay. Sa araw na iyon, marami rin kaming nagawang mga ala - ala na sigurado akong papahalagahan at babalikan naming lahat. Kung may magtatanong sa'kin kung ano ang pinaka masayang nangyari sa araw na 'yon, mahihirapan ako sa pagsagot nito dahil para sa'kin, ang buong araw ay masaya. Kahit man kami ay pagod, gutom at basa sa ulan habang naglalaro, para sa'kin ito ay masaya parin dahil hindi ko ito ginawa mag-isa kundi kasama ang mga kaibigan at kaklase ko. Dahil sa mga masasayang ala-ala na binuo namin, napagtanto ko na hindi ko sana mararanasan lahat ng ito kung hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumali.

Best Team!!! <3
     Ang dalawang araw ng aming Survival Camp ay dalawa sa mga pinakamasayang araw ng aking buhay (as corny as it sounds!). Mas nadagdagan pa ang aking tuwa sa ikalawang araw dahil sa aming Awarding, nakatanggap ako ng award bilang Most Disciplined habang ang aming grupo ay nagkaroon ng award bilang Best Team ng CAT Survival Camp 2020. Hindi ko inasahan ang mga awards na ito ngunit ako ay masaya na nabayaran ng ganito ang aming mga nagawa at napagtagumpayan sa camp.

     

Thursday, January 9, 2020

Taking Care of the Reproductive System

     The reproductive system is a system of sex organs within an organism which work together for the purpose of sexual reproduction. According to Kim Ann Zimmermann from Live Science, due to the system's vital role in the survival of species, many scientists argue that the system is among the most important systems in the entire body therefore, it is important for us to keep it healthy like the rest of the systems in the body. Taking care of the reproductive system means avoiding reproductive health issues, having safe pregnancies, experiencing safe sex and so much more. This system is what's making reproduction possible which is one of the basic functions of human beings. This tells us that it is crucial for all of us to take good care of it. 

        Currently, there are many issues regarding our reproductive system and health. One that I found was the lack of  access to sexual and reproductive health services, putting them at higher risk of unplanned pregnancy, abortion, sexually transmitted infections and HIV, and other health and development problems. This issue should be solved as soon as possible because it does not only affect those who are medically concerned but also those who don't have enough knowledge about sexual and reproductive health. With this issue solved, more people will be aware of the importance of taking care of the reproductive system and having safe sex and pregnancy, there will be less teen pregnancies and less people diagnosed or having reproductive illnesses. 

        To help solve this issue and reinforce the people's access to sexual and reproductive health services, one can use social media as an instrument to share their knowledge to as many people as possible. This will help, most especially teenagers whom are a lot more involved in social media these days. One can also choose to show their support in solving this issue like by simply talking about the importance of it and the changes that it will make in the society. The big help here is talking about it and helping as much people as possible.